Nag-ikot at nag-inspeksyon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Dangwa Market sa Maynila.
Pinangunahan ito nina Asec. Mary Jean Pacheco, Officer in Charge ng Consumer Protection Group at Dir. Fhillip Sawali, Fair Trade Enforcement Bureau ng DTI.
Isa-isang tinungo ang mga tindahan ng bulaklak upang alamin kung nagkaroon ba ng pagtaas sa presyo o nananatili ito sa kaparehong halaga.
Mismong si Asec. Pacheco ang kumakausap at nagtatanong kung saan nalan nito na wala pa naman pagtaas ng presyo ng bulaklak sa Dangwa.
Kwento pa ng ilan nakausap ng opisyal, karamihan sa mga suplay ng kanilang bulaklak ay kadarating lamang kaya’t wala paggalaw sa presyo.
Paliwanag pa mga tindero, magandang klase ng mga bulaklak na pawang mga local at galing sa ibang bansa ang dumarating ma magtatagal naman ng lima hanggamg pitong araw.
Nanatili sa P200 kada isang dosena amg puting rosas, P250 kada dosena mg pulang rosas, P100 ang centerpiece (maliit na paso), P300-P500 ang one sided design at nasa P800 ang special.
Maging ang presyo ng kandila sa isang supermarket na malapit sa Dangwa ay inalam rin ng DTI gayundin sa tapat ng Manila North Cemetery.