Kinumpirma ng Department of Trade Industry (DTI) na ilang pribadong sektor at establisyemento sa bansa ang handang magbigay food discount para sa mga nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, imbes na karaniwang information campaign ay pinaplano na ito ng ilang restaurant.
Daan aniya kasi ito upang mahikayat ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 at mapabilis ang pagkamit ng herd immunity laban sa virus.
Kasabay nito, nagpaalala naman si Lopez sa publiko na hindi makakabagon ang bansa kung walang pakikibahagi ng bawat isa.
Sa ngayon maliban sa Pilipinas, kinumpirma ni Senator Richard Gordon na may dalawang malaking kumpanya sa Estados Unidos ang handang magbigay ng pagkain tulad ng kape at doughnut sa mga magpapabakuna sa kanilang bansa.