DTI ISABELA, NAGPATUPAD NG PRICE FREEZE

Cauayan City – Nagpatupad ang Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ng price freeze para sa mga pangunahing bilihin kasunod ng deklarasyon ng State of Calamity sa probinsya.

Naglalayon ang ang programang ito na protektahan ang mga mamimili mula sa posibleng pag-abuso sa presyo sa gitna ng kalamidad.

Epektibo ang price freeze sa loob ng 60 days o hanggang maglabas ng panibagong abiso mula sa DTI.


Umiiral ang presyo ng kape na ₱18.00 hanggang ₱60.00, distilled bottled water na ₱6.00 – ₱82.00, mineral water na ₱7.00- ₱72.00, loaf bread na ₱46.00 – ₱85.00, kandila na ₱33.00 – ₱88.00, canned sardines na ₱19.00 – ₱25.00, at instant noodles na nagkakahalaga ng ₱7.00 – ₱8.00.

Naglalayon ang price freeze na masiguro ang pangunahing pangangailangan ng mga mamimili at manatiling abot-kaya sa gitna ng krisis.

Samantala, inaasahan ng DTI na sa tulong ng hakbang na ito ay masisiguro ang kapakanan ng bawat mamimili habang patuloy ang pagsisikap na maibalik ang normal na sitwasyon sa lugar.

Facebook Comments