Pinangunahan ni Division Chief Consumer Protection Division, Elmer Agorto ang nasabing monitoring.
Inisa-isa ni Chief Agorto ang nasa 21 na mga tindahan ng mga pyrotechnics o paputok at katulad ng inaasahan ay may ilan na nakitang uncertified at mga hindi rehistradong paputok.
Katulad ng mga kwitis, fountain, at fireworks na mula sa dalawang manufacturer na hindi umano rehistrado at uncertified.
Ayon kay hepe, napakadelikado umano para sa mga consumer na makabili ng mga paputok na hindi dumaan sa tamang proseso.
Agad na ipinatanggal sa display ang mga nasabing ilegal na paputok upang hindi na ito maibenta pa.
Panawagan naman ni Agorto sa mga nagtitinda na bago bumili ng mga ibebentang paputok ay siguruhin muna na lisensyado at kumpleto sa mga dokumento ang manufacturer upang hindi mabiktima ng mga uncertified products.
Samantala, ayon naman kay Bong Ebora tagapag salita ng Cauayan fireworks association, ginagarantiya umano nila na ang lahat ng kanilang ibinebentang paputok ay ligtas para sa lahat.