Idineklara ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) ng City of Ilagan at Philippine Drug Enforcement Agency Isabela bilang Drug-Free Workplace ang Department of Trade and Industry (DTI) Isabela kasama ang National Tobacco Administration at Land Transportation.
Isinagawa ang ‘unveiling’ bilang bahagi ng adbokasiya ng PDEA na hikayatin ang mga ahensya ng gobyerno, pribadong establisyimento, at iba pang institusyon na ipatupad ang kanilang programa sa drug-free workplace, turuan ang mga empleyado sa masamang epekto ng mga mapanganib na droga, at sa kabuuan ay magbigay ng ligtas na kapaligiran sa pagtatrabaho para sa lahat.
Ang DTI Isabela Provincial Office ang kauna-unahang DTI office sa Cagayan Valley na sinertipikahan bilang “Drug-Free Workplace” ng PDEA.
Facebook Comments