Pambato ng bayan ng Diffun, Itinanghal na Bb.Quirino sa Panagdadapun Festival 2022

32
Kinoronahan bilang Binibining Quirino 2022 ang pambato ng bayan ng Diffun na si Miss Djanrah Camille V. Cadiente kasabay ng Panagdadapun Festival sa lalawigan ng Quirino.

Itinanghal naman bilang First Runner-Up si Miss Diana Elizabeth B. Baybayan ng bayan ng Cabarroguis; Second Runner-Up si Miss Regine O. Ignacio ng bayan ng Aglipay.

Kabilang rin sa mga kinoronahan sina Miss Millie Eunice M. Blando ng Maddela; Miss Mitzrei n. Orilla ng Saguday at Miss Jamaica Heaven Dan-oya ng Nagtipunan.

Bukas, Setyembre 10, 2022, tampok rin ang iba’t ibang aktibidad gaya ng Street Dancing at Fun run.

Inaanyayahan naman ni Gov. Dax Cua ang lahat na makiisa at saksihan ang makulay na pagdiriwang ng ika-51st Founding Anniversary at Panagdadapun Festival 2022 ng probinsya na gaganapin sa Capitol Compound, Cabarroguis, Quirino.

Facebook Comments