DTI, maglalabas ng desisyon sa hiling ng mga manufacturer na taas-presyo sa basic necessities and prime commodities

Sisimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ngayong buwan ang pagpapalabas ng desisyon sa hiling ng mga manufacturer na taas presyo sa Basic Necessities and Prime Commodities (BNPC).

Ayon kay Trade Assistant Secretary Amanda Nograles, aabot sa 59 ang humiling ng taas presyo mula sa 217 BNPC na nasa ilalim ng kanilang Suggested Retail Price bulletin.

Ilan sa mga produktong nag-request aniya ng price adjustment ay ang canned sardines, processed milk, kape, tinapay, instant noodles, bottled water, processed canned meat at canned beef, condiments, toilet soap, kandila at batteries.


Sinabi ni Nograles na aabot sa ₱0.25 hanggang ₱7.25 ang hiling na taas presyo ng mga manufacturer dahil na rin sa mataas na presyo ng raw materials, packaging at transportation cost.

Facebook Comments