Approval rating nina PBBM at VP Sara Duterte, tumaas sa latest survey ng Pulse Asia

Tumaas ang approval rating nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa December 2023 survey ng Pulse Asia.

Batay sa latest survey, mula sa double digits na ibinaba noong Setyembre, nakabawi at tumaas ng tatlong puntos ang approval rating ng Pangulong Marcos nitong Disyembre.

Nabatid na nakakuha ng 80 percent na popularity rating ang Pangulong Marcos noong June 2023 at bumaba ito sa 65 percent noong Setyembre.


Pero nitong December survey ay umakyat sa 63 percent ang approval rating ng pangulo.

Samantala, umakyat naman sa 74 percent ang approval rating ni Vice President Duterte.

Tumaas ito ng isang puntos kumpara sa nakuha ng bise presidente na 73 pecent noong September 2023.

Habang pareho namang bumaba ang approval rating nina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez na nasa 49 pecent at 39 percent.

Facebook Comments