DTI, may paalala sa publiko hinggil sa binibiling pre-packed foods

Manila, Philippines – Alinsunod sa kampaniya ng Department of Trade & Industry na PLTK o presyo, label, timbang at kalidad, nagpaalala ang ahensya sa mga konsyumer na muling timbangin ang mga binibiling pre-packed products.

Ito ay matapos makatanggap ng mga reklamo ang DTI ukol sa kulang sa timbang ng pre-packed fresh products sa dalawang supermarkets.

Sinabi ni Consumer Protection Group Usec Teodoro Pascua, ang lahat ng produkto ay dapat sumunod sa labelling and packaging requirements alinsunod narin sa ra 7394 o ang Consumer Act of the Phils.


Sinabi pa ni Pascua na iniimbestigahan nila ang mga reklamo at napatunayan na may basehan ang mga ito kayat pinagpapaliwanag nila ang pamunuan ng dalawang supermarkets.

Hinihikayat din nito ang mga konsyumer na isumbong sa kanila ang maling timbang at maling presyo ng mga produkto.

Facebook Comments