Panukalang nagtatanggal sa VAT sa singil sa system loss sa kuryente, lusot na sa komite

Manila, Philippines – Pasado na sa House Ways and Means Committee ang panukala na nagtatanggal sa Value Added Tax o VAT sa singil sa system loss sa kuryente.

Unanimous ang naging botohan dito matapos magmosyon si Cagayan de Oro Rep. Maximo Rodriguez na pagbotohan na ang panukalang House Bill 1616 ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate.

Labis namang ikinatuwa ni Zarate ang paglusot sa committee level ng panukala na unang naihain noong 16th Congress ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.


Sinabi ni Zarate na magandang balita ito dahil mababawasan ang bayarin ng mga consumers sa kuryente.

Malaking kalokohan aniya ang singil na vat sa system loss dahil hindi naman ito talaga nagamit ng mga consumers.

Sa pagtaya, ang system loss ay 8% ng bill sa koryente ng bawat consumer buwan buwan.

Facebook Comments