DTI, muling aapela sa mga manufacturer na wag na munang itaas ang presyo ng noche buena items ngayong Pasko

Susubukan ulit ng Department of Trade and Industry (DTI) na pakiusapan ang mga manufacturers ng noche buena products na wag na muna ulit itaas ang presyo ng kanilang produkto.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Trade Usec. Ruth Castelo na base sa nakasanayan, bago magtapos ang Oktubre hanggang sa unang linggo ng Nobyembre sila naglalabas ng suggested retail price para sa Noche Buena products.

Sa ngayon ay hindi pa nila sigurado kung marami ang hihirit ng taas presyo sa noche buena products.


Kasunod nito, ipinaalala ni Castelo na noong nakalipas na Pasko hindi gumalaw ang presyo ng noche buena products dahil nagawa nilang pakiusapan ang mga manufacturers.

Pagdating naman sa Christmas ham, nagsisimula na ang DTI na tumanggap ng request para sa taas presyo pero kanila pa itong pag-aaralan.

Dahilan ng manufacturers sa price adjustment ay ang pagtaas din ng presyo ng raw materials lalo na ng packaging materials.

Facebook Comments