DTI, muling nag-ikot sa mga supermarket kaugnay sa paparating na Christmas rush

49

Muling nag-ikot sa mga pamilihan ang Department of Trade and Industry (DTI) para tingnan ang presyo ng mga basic goods at produktong pang-noche buena sa merkado.

Inaasahan kasi na mas dadami pa ang mga mamimili sa paparating na Christmas rush sa susunod na linggo.


Dahil dito, nagpaalala si Trade Undersecretary Atty. Ruth Castelo sa mga mamimili na agahang pumunta sa mga supermarket para maiwasan ang siksikan at hawahan sa loob ng pamilihan.

Facebook Comments