DTI, nag-ikot sa ilang palengke at supermarket sa Maynila

Nag-ikot sa ilang palengke at supermarket sa Maynila si Department Of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo para imonitor ang mga presyo ng pangunahing bilihin.

 

Ayon kay Castelo, napansin niyang medyo mataas ang presyo ng asukal kung saan  P54. 00 ang halaga nito sa palengke habang P57. 00 naman sa supermarket.

 

Nasita din ni Castelo ang isang tindahan ng manok dahil nasa P145.00 ang benta nito gayung P122.00 kada kilo lamang dapat ang halaga nito.


 

Una nang ibinabala ni Castelo na posibleng tumaas ang presyo ng gulay dahil na din sa nararanasang init ng panahon.

 

Ginawa naman ni Castelo ang pag-iikot sa kabila ng lumabas na datos na bumaba ang inflation noong buwan ng Marso kung saan muli niyang iginiit na normal pa din daw ang mga presyo ng pangunahing bilihin.

Facebook Comments