DTI, nagbabala na aarestuhin ang mga negosyanteng mahuhuling mananamantala sa mga biktima ng Bagyong Odette

Nagbabala ang Department of Trade and Industry na aarestuhin ang mga negosyanteng mahuhuling nananamantala sa mga apektado ng Bagyong Odette.

Ito ay kasunod ng nakarating na ulat sa ahensiya na marami ang nag-ooverprice ng mga gasolina at generator sets sa lalawigan ng Bohol at Cebu.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, mayroon na silang mga nasampolan at binigyan ng show cause order mula sa iba’t ibang rehiyon.


Samantala, sinabi naman ni Lopez na nakahanda na ang DTI para magbigay ng tulong sa mga negosyong naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments