DTI, nagkakasa na rin ng mga hakbangin kaugnay ng “Balik Probinsya” Program ni Sen. Bong Go

Katuwang ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, binubuo na rin ng Department of Trade and Industry ang mga hakbangin na isinusulong ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go para sa “Balik Probinsya” Program para sa mga Pilipino, pagkatapos ng COVID-19 crisis.

Partikular ang adhikain ni Go na paglikha ng livelihood opportunities sa mga kanayunan para himukin ang mga nakikipagsiksikan sa kalungsuran na mag negosyo na lamang sa kanilang mga probinsiya pagkatapos ng lockdown.

Iginiit din nito ang kinahinatnan ng mga taga-probinsiya na nakipagsapalaran sa Metro Manila na ang iba mas naghirap pa ang kondisyon ng pamumuhay.


Una ring iginiit ni Go na pag-aaralan niya ang posibilidad nang batas na kinakailangan para suportahan ang “Balik Probinsya” initiatives.

Matapos ang panukala ni Go, isang virtual meeting ang ginanap nitong lunes kasama ang concerned government officials sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan pinag-usapan ang mga plano patungkol sa short-term at long-term goals.

Ang Executive Secretary, katuwang ang National Housing Authority at National Economic and Development Authority ang siyang mangunguna sa planning stages ng “Balik Probinsiya” program.

Una na ring inihayag ni DSWD Sec. Rolando Bautista na maaaring magsagawa ang kanilang social workers ng social case management sa mga pamilya na nais ma-relocate.

Inirekomenda rin ni Sec. Bautista ang gradual moving out by phases depende sa kapasidad ng local government units para suportahan ang matagumpay na relokasyon ng mga migrante mula sa National Capital Region.

Facebook Comments