Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Department Administrative Order 22-17 na nagtatalaga ng “Definitive Anti-Dumping Duty Against Importations” ng Type 1 at Type 1P cement sa ilang exporting manufacturers at traders mula Vietnam.
Kasunod ito ng rekomendasyon ng Tariff Commission na patawan ng anti-dumping duties ang mga imported na semento dahil nakaapekto ito sa domestic cement industry.
Ikinatuwa naman ng Cement Manufacturers Association of the Philippines (CeMAP) ang hakbang ng DTI.
Ayon sa grupo, hindi naman kailangang mag-angkat ng semento ng bansa dahil may sapat na kapasidad ang mga local cement manufacturer na mag-supply nito.
Noong 2021, umabot sa 46.8 million metric tons ang domestic cement sa bansa habang nasa 28.7 million metric tons lamang ang nakonsumo.