DTI, naglunsad ng proyekto para sa pagbangon ng Marawi

Manila, Philippines – Inilunsad ng Department of Trade and Industry ang “Bangon Marawi Product Store” na layuning tulungan ang mga internally displaced persons mula sa Marawi City.

Ito ay alinsunod narin sa Administrative Order No. 03 ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng isang inter-agency task force para sa recovery, reconstruction, and rehabilitation ng Marawi City.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez habang abala ang gobyerno sa pagbangon sa Marawi, ito naman ang naisip na paraan ng ahensya para tulungan ang ating mga kababayan sa Mindanao.


Ang “Bangon Marawi Product Store” ay matatagpuan sa Ground Floor ng DTI Bldg. along Sen. Gil Puyat Ave. sa Makati City.

Kabilang sa mga itinitindang produkto ay brasswares, wooden furniture, wearables, Maranao woven products, jewelry, fashion accessories, at Maranao native delicacies.

Bukod sa DTI bldg. magiging available narin ang Bangon Marawi products sa lahat ng all Go Lokal! stores nationwide.

Facebook Comments