DTI nagpaalala sa mga establisyemento sa tamang pagbibigay ng sukli

Dagupan City – Nagpaalala ang Department of Trade and Industry Pangasinan sa mga establisyemento sa lalawigan patungkol sa tamang pagbibigay ng sukli sa mga mamimili.

Ayon sa DTI ito ay alinsunod sa Republic Act 10909 o mas kilala bilang “No Shortchanging Act of 2016” na nagbabawal sa mgs business establishment sa na magbigay ng kulang, pagsukli ng candies o mga bagay na direktang pinapalitan ang perang dapat ay sukli, o walang sukling binibigay sa mga customers nito.

Paalala ng nasabing ahensya na tungkulin ng mga business owners ang pagbibigay ng tamang sukli sa kanilang mga customers. Nagsasagaw ang ahensiya ng mga seminars sa probinsiya para matiyak na maipaliwanag ang nasabing alituntunin pagdating sa pagbibigay ng tamang sukli. Hinihimok naman ng DTI Pangasinan ang lahat ng mga mamimili na hingiin ang tamang sukli.


Facebook Comments