Nagpapagawa na ng medical gowns at face shields ang Department of Trade and Industry para magamit ng mga frontliners laban sa COVID-19.
Ayon kay Trade Usec. Fita Aldaba, gagawin ito sa tulong ng ilang pribadong pabrika na inaprubahan ng kagawaran.
Gayunman, kailangan pa aniya itong makita ng Philippine General Hospital at Department of Health kung pasok ito sa kanilang mga pamantayan bago gumawa nang maramihan.
Sabi pa ni Aldaba, pwede ding gawin ang surgical mask, infrared thermometer, personal protective equimpment, respirators at ventilators sa mga fabrication laboratory.
Sinabihan na rin aniya ni DTI Sec. Ramon Lopez ang local manufacturer ng surgical mask sa bataan na damihan ang ibinebentang face masks kaysa mag-export dahil sa tindi ng pangangailangan ng Pilipinas.