Ipinagutos ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mayari ng paupahan ng Bahay at business establishment o Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na magbigay ng 30 days grace period sa mga rental fees.
Batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 20-12, Series of 2020 ng DTI, ipinagutos nito ang pagpapaliban ng mga bayarin sa upa sa mga residential at MSME commercial rent habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon bunsod ng paglala ng kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa bansa.
Nakapaloob din sa nasabing Memorandum Circular ng DTI, na hindi dapat patawan ng interes, penalties, at mga surcharge kung hindi nakapagbayad ng upa habang umiiral ang ECQ.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ito ay alinsunod sa Republic Act No. 11469, or the “Bayanihan to Heal as One Act.
Anya layunin ng nasabing kautusan ay upang bigyan ng panahon ang mga umuupa na mabayaraan nila ang kanilang rental Responsibilities habang walang kinikinta sa panahon ng ECQ at upang hindi makadagdag sa mga problema na apektado ng nasabing health crisis sa bansa.
Ang lalabag anya nito ay maaaring makulong na hindi baba sa dalawang buwan at magmumulta ng hindi baba sa 10,000.00.