ILOCOS REGION – Nakapagtala ang Department of Trade and Industry Ilocos Region ng 231 bagong online businesses na nagparehistro sa kanilang ahensya ngayong taon sa kabila ng nararanasang pandemya.
Sa isinagawang launching ng Youth Entrepreneurship Program o YEP sa rehiyon na dinaluhan ng 70 young entreps, sinabi ni DTI Regional Director Grace Falgui-Baluyan, karamihan umano sa mga nagparehistro ngayong taon ay nasa edad 18-30.
Hinikayat ni Regional Director Falgui ang mga kabataan na magnegosyo sapagkat prayoridad ng ahensya ngayon ang mga ito na matulungan dahil sa kanilang kasanayan sa paggamit ng mga teknolohiya na siyang malaking parte ngayon sa pagnenegosyo.
Sa datos ng DTI Region 124, 903 na negosyo sa Ilocos Region ang pagmamay-ari ngayon ng young entreps. Samantala,sa buong Pilipinas mayroong 430, 000 ang negosyong nakapagparehistro sa unang quarter ng 2021.