PINTOR, TINAGA NG KAINUMAN, SUGATAN SA BAYAN NG ROSALES

20

ROSALES, PANGASINAN – Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang kwarentay uno anyos na pintor matapos itong pagtatagain ng kainuman sa bayan sa Rosales, Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Amseo Miemban habang ang suspek naman ay nakilalang si Roberto Noe na parehong residente ng Brgy. Camangaan sa nasabing bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Rosales ay nag iinuman umano ang dalawa kasama ang ilan pang mga kaibigan nito kung saan ay naungkat ang lumang alitan ng mga ito at dito isinagawa ang krimen na nagresulta sa pananaga ng suspek sa biktima na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Agad namang naisugod sa malapit na pagamutan ang biktima upang malapatan ng agarang lunas at sa ngayon ay patuloy nang inoobserbahan.

Facebook Comments