Nakatanggap ang Department of Trade and Industry (DTI) ng halos 9,000 reklamo na may kinalaman sa online transaction sa unang siyam na buwan ng 2022.
Malayo ito sa natanggap ng DTI na 2,457 na reklamo bago sumibol ang COVID-19 pandemic ngunit mas mababa kumpara sa 16,000 na reklamong natanggap noong 2020.
Kalimitan sa mga natatanggap nilang reklamo ay may kaugnayan sa depektibong produkto, pekeng ads at pangit na customer service.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ine-endorse nila ang mga natatanggap na reklamo at humihingi ng follow-up sa mga concerned agency upang masigurong naaksyunan ito at saka nagbibigay ng feedback sa consumer.
Kaya nagpapaala si Castelo na bumili na lamang sa lehitimong online sellers para madaling habulin.
Facebook Comments