DTI, nakipag-ugnayan na rin sa DA para sa presyuhan ng agricultural products

Nakikipag-ugnayan na rin ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Department of Agriculture (DA) para sa monitoring sa presyo ng agricultural products.

Layon nito na matiyak ang supply at tamang presyo ng mga produktong pang-agrikultura kabilang na ang itlog at karne.

Samantala, hinimok ni DTI Asec. Amanda Nograles ang publiko na maging mapanuri sa kanilang mga binibili sa merkado.


Partikular aniya ang grocery items kung saan talamak ngayon ang mga pekeng produkto.

Hinimok din ng DTI ang publiko na magreport sakaling makabili sila ng counterfeit products.

Facebook Comments