DTI, nakiusap sa motorcycle dealers na hayaan ang kanilang customer na magbayad ng cash

Iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong option ang customer o bibili ng motorsiklo na magbayad ng cash at hindi dapat sila pinipilit na magbayad sa ilalim ng installment scheme dahil magreresulta lamang ito sa mas mataas na singil.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, maglalabas sila ng Department Order na magbabawal sa mga motorcycle dealers na magbenta ng units sa pamamagitan ng installment basis.

Aniya, may ilang buyers ang napipilitang mag-installment na mayroong mataas na porsyento kumpara sa original cash price.


Ang department order na ipagbawal ang “installment only” scheme sa motorcycle units ay sasailalim sa public consultation at hearings.

Facebook Comments