Higit 1,000 manggagawa, na-hire sa ilalim ng Build Build Build Program

44

Umabot sa higit 1,000 engineers ang na-hire ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng Build Build Build infrastructure program ng pamahalaan.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nasa 1,013 engineer positions ang napunan sa buong bansa.


Karamihan sa mga bagong regular na manggagawa ay naka-employ sa kagawaran bilang contract of service o job order staff.

Sa pamamagitan ng sapat at maaasahang manpower, mas maraming proyekto ang magagawa at naaayon ang mga ito sa design standards.

Facebook Comments