Iginiit ng Department of Trade and Industry na hindi ‘reckless’ ang dahan-dahang pagbubukas ng mga negosyo sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, kahit unti-unting binabalik ang mga negosyo ay mahigpit pa ring ipinatutupad ang health protocols.
Aniya, planado ang lahat ng desisyon sa pagbubukas ng ilang sektor.
Naghahanap sila ng paraan sa kung paano luwagan ang restrictions na hindi ibinababa ang quarantine classifications.
Sa pamamagitan nito, nabubuksan ang mga sektor at nabubuhay ang economic activities.
Facebook Comments