Nilinaw ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi pa required sa ngayon at tanging panghihimok pa lang ang pagsusuot ng face shield laban sa Coronavirus Disease o COVID-19.
Ayon kay Lopez, pinag-aaralan pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) na gawing requirement ang face shields kapag lumalabas ng bahay.
Gayunman, hindi malayong gawin itong mandatory sa hinaharap kung kakailanganin pa ng dagdag proteksyon tuwing nasa pampublikong lugar.
Batay pa aniya sa isang pag-aaral, ang face shield ay maaaring makapagpigil ng 99% ng potential transmission lalo na kapag ginamit kasama ng face mask.
Facebook Comments