DTI PANGASINAN MAY PAALALA SA MGA MALLS AT ESTABLISYEMENTONG DINARAYO

DAGUPAN CITY – Patuloy ang pag-papaalala ng Department of Trade and Industry Pangasinan (DTI) sa mga may-ari ng malls at ilan pang establisyemento na nag-bukas na ngayong umiiral ang general community quarantine (GCQ) sa lalawigan. Ayon kay DTI Provincial Director OIC Natalia Dalaten, partikular na dinudumog ngayon ng mga tao ang malls at kahalintulad nitong mga establisyemento dahil sa pagkasabik at pagbabakasakaling bukas ang mga tindahang hinahanap nila.

Kaya naman importanteng gumawa ng paraan ang mga ito upang hindi mahikayat ang tao na tumambay sa kanilang mga pwesto. Binigyang diin din ni Dalaten na kung maaari ay mag-laan lamang ng isang entry at exit upang sa gayun ay malimitahan ang mga taong makakapasok sa bawat establisyemento. Sa pamamagitan din nito mapapairal ang physical distancing at iba pang guidelines and protocols sa ilalim ng GCQ.

Maliban sa pag-monitor ng mga presyo ng pangunahing bilihin, ang DTI ay naka monitor din sa mga establisyemento kung nasusunod ng mga ito ang panununtunan na itinakda ng IATF-EID na may karampatang ng penalty sa sinumang lalabag.


Facebook Comments