DTI PANGASINAN NAKAPAMAHAGI NA NG 7.4 MILLION PESOS NA HALAGA NG PANGKABUHAYAN PACKAGE

Aabot sa 7.4 Million pesos na halaga ng livelihood starter kits sa ilalim ng Livelihood Seeding Program ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan ang naipamahagi sa 842 na benepisyaryo sa Pangasinan.
Ayon kay DTI Pangasinan Provincial Director, Natalia Dalaten mayroong dalawang klase ang kanilang pangkabuhayang programa ito ay ang Negosyo sa Barangay at Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa na naglalayong makatulong sa micro, small and medium enterprises.
Sa ilalim ng livelihood seeding program nakapamahagi na ang ahensya sa dalawampu’t tatlong munisipalidad at isang siyudad sa Pangasinan.

Samantala, bago mamahagi ang ahensya sa mga benepisyaryo ay dumaan muna ang mga ito sa proseso at balidasyon para makasama sa mga mabibigyan. | ifmnews
Facebook Comments