Ibayong pag-iingat ang payo ngayon ng Dept. of Trade and Industry (DTI) sa mga mahilig mag-Shopping Online.
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, dapat iwasang ibigay ang Card Details at Personal Information.
Aniya, huwag ding maglagay ng order mula sa mga website na may Universal Resource Locator o URL o Link na nagsisimula sa “http.”
Ugaliin din ng mga Online Shopper na i-Log Out ang lahat ng kanilang account sa pamamagitan ng public device.
Iwasan ding mag-post ng update sa Social Media patungkol sa kanilang finances.
Facebook Comments