Marawi City – Sa kabila nang nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi city sa pagitan ng AFP at PNP at ng Maute-ISIS group pinaghahandaan na ng pamahalaan ang muling pagbangon ng siyudad.
Ayon kay Trade & Industry Undersecretary Theodore Pascua sa interview sa Government in Action, hindi na nila hihintayin pang matapos muna ang sagupaan sa Marawi bago pagplanuhan kung paano maibabangong muli ang lungsod.
Sinabi pa ni Usec. Pascua na sa ngayon marami na rin ang nagpapahayag ng intensyon na tumulong sa Marawi rehabilitation & reconstruction.
Kasunod nito nagpapatuloy ang price monitoring ng DTI sa mga construction materials at pagtitiyak ng opisyal na nananatiling stable at wala pang paggalawa sa persyo ng mga ito.
Facebook Comments