DTI, pinagpapaliwanag ang mga tindero at tindera sa Imus market

Manila, Philippines – Nagpalabas ng notice of violation ang Department of Trade and Industry (DTI) sa halos lahat ng mga nagtitinda sa Imus public market.

Sa ginawang pag-iinspeksyon ng DTI at DA ngayong araw sa Imus market, napansin nila na walang mga price tag ang mga paninda rito.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castello, paglabag ito sa price act dahil mahalagang malaman ng mga consumer ang presyo ng mga bilihin.


May ilan daw na vendor na nagtatataas ng presyo kapag alam na hindi tatawad ang mga mamimili.

Napansin din ng DTI na sobra sobra ang presyo ng karneng baboy sa imus public market.

Mula sa 190 hanggang 220 pesos na srp ng karneng baboy.. ibinebenta ito ng 250 hanggang 270.

Dahil ditto, ipatatawag ng DTI ang mga suplayer ng mga karneng baboy upang pagpaliwanagin kung bakit mataas ang kanilang pasa ng karne sa mga market vendor.

Samantala, tama naman ang presyuhan ng mga manok na 135 hanggang 140 pesos ang kada kilo habang mababa rin ang presyo ng mga gulay dahil sa sapat na suplay.

Facebook Comments