Wala dapat ikabahala ang mga Pinoy food lovers.
Ito ang tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) kasunod ng hakbang nitong “i-standardize” ang mga pagkaing Pinoy, kabilang ang adobo.
Ayon sa DTI, ang pagbuo ng technical committee para sa pag-develop ng Philippine National Standards (PNS) sa sikat na Filipino dishes gaya ng adobo, sinigang, lechon, at sisig ay para lamang sa “international promotion.”
Layunin lamang nito na magkaroon ng mas malikhaing industry exports.
Ang hakbang na ito ay para sa mga ipino-promote nating pagkain sa ibang bansa at hindi sa mga nilulutong pagkaing nakasanayan na ng mga Pilipino.
“The attempt is to define what we will promote internationally and not [redefine] what adobo is to different people now,” ayon sa DTI.
Nagkaroon din ng suhestyon na magsagawa ng konsultasyon sa ilang chef sa kung ano ang magiging traditional recipe para sa international promotions.
“Again, this is for promotion abroad. It’s not meant to give a mandatory standard because there are thousands or millions of different “lutong adobo” or ways to cook the viand,” dagdag pa ng ahensya.
“To many Filipinos, the best adobo is the one cooked at home or cooked by their parents or lola. There is a lot of creativity going on and it must be encouraged,” sabi ng kagawaran.