DTI, Quirino PLGU Lumagda sa MOA para sa Coffee Facility Expansion

Cauayan City, Isabela-Lumagda sa kasunduan ang Department of Trade and Industry at Provincial Local Government Unit of Quirino para sa pagpapalawak ng coffee processing facility sa lalawigan.

Ang kasunduan ay sabay na nilagdaan ni DTI-2 Regional Director Leah Pulido Ocampo at Governor Dakila Carlo E. Cua sa pamamagitan ng Shared Service Facility (SSF) Project kung saan magdadagdag ng makinarya na nagkakahalaga ng P950,000 na tiyak na magbebenepisyo ang lahat ng Quirinian coffee growers at producers.

Binubuo ang nasabing makinarya ng isang yunit ng coffee de huller with blower and sorter, isang yunit ng industrial coffee grinder, at isang set ng coffee roaster.


Umaasa naman ang ahensya ay Quirino PLGU na mas mapapalawak pa lalo ang industriya ng kape sa lalawigan dahil sa dagdag na makinarya.

Facebook Comments