DTI REGION 2 AT QYEA, NAKAKUHA NG PARANGAL SA STANDOUT AWARDS 2024

CAUAYAN CITY – Kinilala sa STANDOUT Awards 2024 ang Department of Trade and Industry Region 2 bilang katuwang sa matagumpay na pagpapatupad ng SGS Kaagapay MSME Program na ginanap sa Dusit Thani Manila Hotel, Makati City.

Ang nabanggit na programa ay may layuning mapangalagaan ang mga pag-unlad ng mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa food industry.

Samantala, nakakuha naman ng Product Innovation Award ang Quirino Young Entrepreneurs Association’s (QYEA) Ube Powder sa kaparehong event.


Nabuo ang Ube Powder ng asosasyon noong taong 2022 sa inisyatiba ng DTI Region 2, Quirino Provincial Office, at Quirino State University katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino.

Facebook Comments