Nagkaroon ng serye ng panel discussion at technical talks kung saan, nagkaroon ng pagkakataon na makipag-network at makakuha ng update sa insight sa industriya sa mga napapanatiling paraan ng produksyon at pagproseso ang mga piling MSME mula sa rehiyon.
Gayundin, nasaksihan nila ang pinakabagong teknolohiya at mga inobasyon maging ang nangyaring selection of international suppliers.
Ang naturang aktibidad ay may temang “Sustainability in Processing and Packaging for our Better World,” na nagsisilbing isang pagkakataon para sa maraming vertical markets malaman ang ilang mahahalagang impormasyon at technique sa makabagong teknolohiya at mga solusyon sa pagproseso at packaging mula sa higit sa isang libong brands at mga kumpanya sa buong mundo.
Kabilang sa mga MSME participants ang Amazing Livelihood Association, Mauryn’s Nutritious Food Products, Manjou’s Homemade Delicacies, Rmeaz Food Products, Caviteno Isabelino Agricultural Cooperative, at Melani’s Food Products.
Ang Propak Asia ay isang nangungunang processing at packaging exhibition para sa Asya at isa sa pinakamalaking platform para kumonekta sa mabilis na lumalawak na industriya ng pagproseso at packaging ng rehiyon.