Ipinagmalaki ng Department of Trade and Industry (DTI) Rizal Province ang mga magaganda at dekalidad na mga iba’t ibang produkto sa pakikipagtulungan naman ng mga Rizaleño sa Sektor ng Agrikultura at Pagkain (SARAP) at Rizal Exporters and Manufacturers Association Inc. (REMAI) ang mga iba’t ibang magagandang produkto na gawa ng Rizal Province.
Dinaluhan ng mahigit sa 30 kalahok mula sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) bilang Pamaskong Handog ng Tindahang Rizaleño na sinimulan noon pang November 27 hanggang December 13, 2020 sa SM City Masinag, Antipolo City.
Tinampok ang mga dekalidad na produkto gaya ng holiday and houseware decor, wearables, furniture, natural and organic products, fresh and processed food products mula sa 13 munisipalidad at 1 lungsod sa probinsya ng Rizal.
Ang naturang inisyatibo ay bilang bahagi ng pagpupursige ng DTI Rizal na suportahan ang MSMEs ngayong nararanasan natin na pandemya, kung saan ang mga ahensiya ng gobyerno ay gumagawa ng mga paraan para tulungan ang mga MSMEs upang lumago ang kanilang operations.
Naniniwala ang DTI Rizal Provincial Office na lalong makikilala ang probinsya ng Rizal na gumagawa ng mga magaganda at dekalidad na iba’t ibang produkto na maaaring i-export at ipakilala sa iba’t ibang bansa.