Isa pang PNP personnel nasawi dahil sa COVID-19

26

Nadagdagan ng isa ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Batay sa record ng PNP Health Service, isang 52 anyos na babaeng Non-uniformed Personnel na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang napatay.


Dahil dito, umabot na sa 27 ang nasawi sa COVID-19 sa PNP.

Samantala, may 22 PNP personnel naman ang nadagdag sa bilang ng mga dinapuan ng COVID-19.

11 dito ang galing sa Police Regional Office ng Cordillera.
3 sa Police Regional Office 10.
Tig-2 sa Police Regional Office 4-A at Bangsamoro.
At tig-1 sa National Headquarters, National Operations Support Unit, Police Regional Office 4-B at Police Regional Office 9.

Sa ngayon mayroon nang 8,212 ang COVID 19 cases sa PNP, 412 dito ay aktibong kaso ng COVID-19.




Pero good news dahil mayroon naman naitalang 30 PNP personnel ang naitalang gumaling kahapon, kaya ang kabuuang recoveries ng PNP ay umabot na sa 7,773.

Facebook Comments