DTI Secretary Pascual, nakipagpulong kay US Trade Representative Tai para sa trade priorities ng dalawang bansa

Nakipagpulong si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual kay US Trade Representative Katrine Tai para pag-usapan ang trade priorities ng dalawang bansa.

Isa sa napag-usapan sa naturang pagpupulong ay para magkaroon ng Trade Investment and Framework Agreement o TIFA ang Pilipinas at US.

Layon ng naturang framework agreement na magkaroon ng mas maayos at sistematikong pagpapasok ng mga produkto mula sa bansa at mas mapayabong pa ang pakikipagkakalakalan ng dalawang bansa.


Ayon kay Ambassador Tai, makakaasa ang ating bansa sa naturang pagpupulong na mas lalalim pa ang relasyon ng dalawang bansa pagdating sa trade and investment ng Pilipinas at US.

Samantala, muli namang siniguro ni Trade Secretary Pascual na malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya ng Pilipinas partikular sa import-export sector ng bansa.

Facebook Comments