Bagong PNP chief, haharap sa media ngayong araw

Isang araw matapos umupo sa pwesto bilang bagong pinuno ng Pambansang Pulisya, nagsasagawa ng unang command conference sa Camp Crame si Police General Benjamin Acorda Jr.

Alas-8:00 kaninang umaga nang simulan ang command conference na dinadaluhan ng mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Inaasahang magbibigay ng marching orders si PNP Chief Acorda hinggil sa direksyong nais tahakin ng kanyang liderato.


Una nang binigyang diin ni Acorda na kasama sa kanyang prayoridad ang pagpapaigting sa kanilang kampanya kontra iligal na droga, krimen at iba pa.

Kasunod na rin ito ng bilin sa kaniya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Samantala, matapos ang nasabing command conference ay haharap sa media si Acorda para sa kanyang kauna-unahang press conference.

Facebook Comments