DTI, tiniyak na hindi lalagpas sa sampung porsyento ang price adjustment sa ilang pangunahing bilihin sa merkado

Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi lalagpas sa sampung porsyento ang taas sa presyo o suggested retail price ng 82 mga pangunahing produkto.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castello na medyo malaki ang hirit na taas presyo ng mga manufacturers subalit hanggang 10% lamang aniya ang maximum adjustment na kanilang inaprubahan.

Ani Castelo, hindi ito masyadong mararamdaman ng consumers dahil ito ay nasa kinse sentimos lamang hanggang piso.


Kabilang sa magtataas ng presyo ay ang canned fish o sardinas, bottled water, processed milk, kape, asin at iba pa.

Pangunahing dahilan nang pagpayag nila sa taas presyo ay ang pagtaas din ng presyo ng raw materials at ang patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Samantala, saklaw ng bagong suggested retail price (SRP) ang mga supermarket at grocery stores sa bansa, pero hindi nito sakop ang mga convenient stores at sari sari stores.

Facebook Comments