May 24, 2022, Idineklarang Special Non-Working Holiday sa Nueva Vizcaya

109
Cauayan City, Isabela- Idineklarang Special Non-Working Holiday ang May 24, 2022 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-183 na ‘Nueva Vizcaya Day’.

Alinsunod ito sa Advisory no.41 na nilagdaan ni Governor Carlos Padilla.

Walang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno maliban sa mga nasa frontline service providers na may kinalaman sa pangangasiwa ng Public Order, and Safety, Property Maintenance, Medical Services at Rescue Operations.

Sa Proclamation no. 2422 nang iproklama noong April 10, 1985 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang founding anniversary ng lalawigan.

Facebook Comments