DTI tiniyak na nananatiling tama at matatag ang presyo ng bottled water

Walang magiging paggalaw sa presyo ng bottled water hanggang Mayo.

Ito ang kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos makipagpulong sa mga kinatawan ng Beverage Industry Association of the Philippines (BIAP).

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, tiniyak sa kanya ng BIAP na sapat ang suplay ng bottled water at mananatiling matatag ang presyo nito hanggang sa darating na buwan ng Mayo.


Matatandaang sinabi ng Manila Water na posibleng matapos ang water crisis na nararanasan ngayon ng kanilang consumers pagsapit ng Mayo.

Samantala, sinabi pa ni Undersecretary Castelo na gumagawa na sila ng hakbang para matiyak na sapat at mananatiling matatag ang presyo ng inuming tubig dahil isa ito sa tinatawag na basic necessity.

Facebook Comments