Lagay ng panahon ngayong araw, alamin!

Maganda ang panahon ang asahan sa buong bansa subalit mananatili rin ang mainit at maalinsangang pakiramdam.

Ito ay dulot ng ridge o extension ng High Pressure Area (HPA) sa silangan ng Northern Luzon.

Kahit maaliwalas sa pangkalahatan ang panahon sa Luzon, may mga pulu-pulong pag-uulan sa lalawigan ng Quezon, Aurora at Bicol Region.


May isolated rainshowers sa Eastern Visayas at halos buong Mindanao lalo na sa hapon o gabi.

Facebook Comments