DTI, tiniyak na sapat ang suplay ng mga produktong pang-Noche Buena

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ang mga produktong pang-Noche Buena.

Ayon kay DTI Undersecreatary Ted Pascua, ilang kumpanya lamang ang naghayag na magtataas ng presyo ng kanilang produkto.

Aniya, maaring magtaas ang presyo ng hamon dahil sa tumaas din ang presyo ng mga sangkap na ginagamit para rito.


Posible ring tumaas ang presyo ng ilang dairy products.

Bagamat, tumaas ang presyo ng harina ay hindi naman ito nakaapekto sa halaga ng tinapay.

Sinabi naman ni Steven Cua, President ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association – maling sabihin na tumataas ang presyo ng mga pagkain tuwing pasko dahil hindi naman ito ang prayoridad ng mamimili.

Una nang pinaalala ng DTI ang mga mamimili na hangga’t maaga ay bumili na ng mga ihahanda para sa nalalapit na holiday season.

Facebook Comments