Grade 2 pupil patay ng malunod sa bayan ng Midsayap North Cotabato

Isang grade 2 pupil ang namatay matapos malunod sa bayan ng Midsayap sa lalawigan ng Cotabato. Kinilala ang nasabing bata na si Kent Harvey Villasica, 9 anyos.
S report ng Midsayap Pnp dalong ala una ng hapon kahapon ng umalis ng paaralan si Kent kasama ang mga kaibigan at naligo sa irigasyon.
Nagtaka ang magulang ng bata dahil mag aalas sais na kagabi ay hindi pa nakakauwi ng bahay ang kanilang anak. Sa kanilang paghahanap ay natagpuan ang katawan nito na wala ng buhay sa isang irrigation canal sa barangay Poblacion 7 sa bayan ng Midsayap .
Kaugnay nito ay merong panawagan ang Midsayap Pnp sa mga guro at school administrator na huwag payagang lumabas ng paaralan ang kanilang mga esyudyante sa oras ng klase.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments