Dti, Tiniyak Na Walang Pagtaas Ng Presyo Ng Mga Kandila Ngayong Undas

11

MANILA – Tiniyak ng Department of Trade and Industry na walang pagtaas sa presyo ng mga kandila, ngayong undas.Kasunod na rin ito ng umiiral na price freeze sa mga kandila na epektibo magmula noong Setyembre at tatagal hanggang Nobyembre 3.Wala ring kakapusan sa supply ng kandila sa merkado ngayong undas.Una rito, iniutos ng DTI sa mga manufacturers na damihan pa ang supply ng mga kandila, na sadyang mabili ngayon dahil na rin sa pananalasa kamakailan ng supertyphoon Lawin sa mga lalawigan at probinsya sa Northern Luzon.

Facebook Comments