State Of Calamity, Idineklara Na Rin Sa Probinsya Ng Abra Dahil Sa Matinding Pinsalang Iniwan Ng Supertyphoon Lawin

5

ABRA – Isinailalim na sa State of Calamity ang probinsya ng Abra dahil sa pinsalang natamo sa hagupit ng supertyphoon Lawin.Ang deklarasyon ng Office of Civil Defense ng Cordillera Administrative Region ay ginawa sa pamamagitan ng resolution no. 152Batay sa tala ng OCD labing lima ang kumpirmadong nasawi sa car dahil sa bagyo habang isa ang nawawala at apat ang naitalang nasugatan.Aabot naman sa mahigit 81,000 katao ang naapektuhan ng bagyo mula sa 24 Municipalidad sa Abra.Ang Abra ang pang-apat na sa mga probinsya sa car na nagdeklara sa State of Calamity matapos magland-fall si Lawin sa bahagi ng Cagayan.Una ng idineklara ang State of Calamity sa Cagayan, Isabela at Ilocos Norte.

Facebook Comments