Dti, Tiwalang Lalakas Pa Ang Trade Ang Investment Ng Pilipinas Mula Sa Japan

13

MANILA – Tiwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na lalo pang lalakas ang trade and investment mula sa Japan.Kasunod na rin ito ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan na pinakamalaking trading partner ng Pilipinas.Kasabay nito, kinumpirma ng ahensya na nasa 200-libong trabaho ang maibibigay sa susunod na taon ng 12 business deals sa pagitan ng mga negosyanyeng Hapon at Pilipino.Kabilang sa pangakong investments ay nasa sektor ng automotive, vehicle parts, electric vehicles, ship building at ship repair, biomass fuel, renewable energy, solar at energy management system, optical image stabilizers at agrikultura.

Facebook Comments